Tuesday, November 8, 2011

sabadong solb

Hindi ko alam kung bakit naisipan namin na gawin sa iisang araw ang parasailing at paintball...
ganun pa man kahit na parehong nakakapagod iyong dalawang activities na iyon sobrang nag-enjoy pa rin ako...

On the way to Jumeirah beach resort kung saan kami mag-paparasailing eh, nagsabi ako na "ayokong mahuli ha, kasi baka umatras na ako at hindi na ako tumuloy eh..." pero naman... hindi ko rin naman inisip na ako ang mauuna...

Pero ayan ako nga ang pinauna nila... obvious tuloy kahit sa pictures kitang-kita ang kaba ko!!hahaha




Little by little habang tumataas ako, nawawala na rin yung takot at napapalitan rin ng saya at kakaibang pakiramdam ng kalayaan... anlalim... pero totoo, habang andun ako sa itaas parang ang sarap mangarap... at parang lahat ng pangarap ko pwede kong maabot... may fear of heights kasi ako kaya malamang dala na rin ng pride na na-conquer ko ang fear ko at nagawa ko mag-parasailing... kaya tumaas ng ng dalawang pulgada yung confidence ko sa sarili ko...hahaha



Pagkatpos kalabanin ang sarili, laban naman sa ibang tao... paintball!!!

blue vs. brown....
sinong nanalo?
wala!
pare-parehong takot sumugod kaya ayan tabla ang laban...



Naka-full battle gear, ready to rumble este paintball...